^

Metro

Bus nagliyab sa EDSA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalot ng takot ang mga pasahero ma­tapos magliyab ang kanilang sinakyang bus kahapon ng umaga sa kahabaan ng EDSA   Pasay City.

Ligtas naman ang lahat ng mga pasahero,  bagama’t ang driver ng bus  na si Ronald Domingo   ay bahagyang nasugatan.

Ayon sa  inisyal na report ng Pasay Traffic Department, naganap ang insidente alas-6:00 ng umaga sa kahabaan ng EDSA sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa driver na si Domingo, minamaneho niya ang Valisno Express  na may  plakang TXU-210  patungong  Tungko,  San Jose Del Monte, Bulacan at habang binabagtas nila ang EDSA  ay nakaramdan siya ng  init sa loob ng bus kasunod nang  bigla na lamang   pumutok. Agad umano niyang pinababa ang mga pasahero hanggang sa mabilis nang  nagliyab ang bus. 

Tinangka niya umanong  apulain ang apoy dahilan upang masugatan ang kanan niyang kamay.

Inabot rin ng kalahating oras bago na­apula ang apoy ngunit hindi na  mapapakinabangan ang  bus dahil sunog na sunog  ang halos buong bahagi nito.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang pinagmulan nang pagliyab ng bus.

Nagdulot rin ng bahagyang pagsikip ng daloy trapiko sa lugar ang insidente. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BINALOT

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

PASAY TRAFFIC DEPARTMENT

RONALD DOMINGO

SAN JOSE DEL MONTE

VALISNO EXPRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with