^

Metro

21-anyos nagsilang ng triplets

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 21-anyos na ginang ang nagsilang ng triplets na pawang mga babae sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Nabatid na dakong alas-4:30 ng madaling-araw nang isilang ni Maria Teresa Madeja, residente ng  Brgy. Wawa 3, Rosario, Cavite ang kanyang mga panganay sa  caesarian operation.

Binigyan na ng mga pa­ngalan ang mga sanggol bilang sina Josefina Matilde, Josefina Bonita at Josefina Santina. Isinunod umano ang mga pangalan sa pangalan ng Santo na si San Jose.

Nadala sa nasabing ospital ang ginang nang magpasaklolo umano ang mister nitong si Jason sa alkalde ng Rosario, Cavite  na si Mayor Nonong Ricafrente. Dahil natulungan ay nagbigay na rin umano ng suhestiyon sa kanila na isunod sa pangalan ni San Jose ang pangalan ng mga baby.

Hindi umano akalain ng ginang na tatlo kaagad ang magiging anak sa unang pagbubuntis dahil hindi naman umano siya nakaramdam ng kakaiba sa kanyang tiyan hanggang sa malapit nang magsilang at hindi rin umano akalain na mase-caesarian siya.

 Una nang napaulat na quadruplets ang isinilang ni Madeja base sa interview sa mister nitong si Jason, pero nilinaw nito na-excite siya at inakalang apat ang magiging anak na sa huli ay nakumpirma mismo sa neonatal nurse na tatlo lamang na baby girl.

Malulusog ang mga sanggol at ligtas naman sa pa­nganib ang ina.

CAVITE

DR. JOSE FABELLA MEMORIAL HOSPITAL

JOSEFINA BONITA

JOSEFINA MATILDE

JOSEFINA SANTINA

MARIA TERESA MADEJA

MAYOR NONONG RICAFRENTE

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with