^

Metro

Kelot tumalon sa flyover, lasog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang ma­tandang lalaki ma­tapos na tumalon mula sa isang flyover sa Makati City kahapon.

Dead-on-arrival sa Ospital ng Makati (OSMAK­) ang hindi pa nakikilalang biktima na  tinatayang nasa 55 hanggang 60-anyos, nakasuot ng gray na sando, kulay dilaw na shorts, semi kalbo ang gupit, may nunal sa kaliwang pisngi.

Ayon kay SPO2 Rico Caramat, ng Station In­vestigation and Detective Management Branch (SIDMG), Makati City Police, naganap ang insidente alas-3:10 ng madaling-araw sa flyover sa panulukan ng Kalayaan Avenue at Jervois St., Brgy. Pinagkaisahan ng naturang lungsod.

Sa inisyal na teyorya ng pulisya,  umakyat ang biktima sa naturang fly­over at biglang tumalon.

Dahil sa insidente ka­agad na isinugod ng Makati City Rescue Team ang biktima sa nabanggit na ospital, subalit hindi na ito nakarating ng buhay.

Sa ngayon, ang bangkay ng biktima ay naka­lagak sa Veronica Funeral Parlor at nagsa­sagawa ng masu­sing imbestigasyon sa insidente.

vuukle comment

DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

JERVOIS ST.

KALAYAAN AVENUE

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

MAKATI CITY RESCUE TEAM

RICO CARAMAT

SHY

STATION IN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with