^

Metro

Kelot dedo sa parak na kapitbahay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 36-anyos na lalaki nang barilin sa likod ng kaniyang kapitbahay na pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na dating kaalitan sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Isang bala sa likod na tumagos sa harapan at bumutas sa atay ang ikinasawi ng biktimang kinilalang si Alaska Sanchez, residente ng  Honorio Lopez Boulevard, Balut, Tondo.

Agad namang naaresto ng mga tauhan ng pulisya ang suspek na kinilalang si PO1 Riad Fernando, nakatalaga umano sa NCRPO at nakatira sa naturang lugar.

Sa ulat, naganap ang pamamaril dakong alas-6 ng umaga sa mismong  kuwarto ng biktima, kung saan  kapitkuwarto niya ang suspect na parak.

Pinasok umano ng suspek ang bahay ng biktima at walang­ sabi-sabing pinagbabaril. Isinugod sa Tondo Medical Center ang biktima pero hindi na rin naisalba ang buhay nito.

Nabatid na nang magtungo kahapon ang mga pulis sa bahay ng suspek ay inabutan pa ito na natutulog kung saan ito dinakip.

Sa impormasyon, ang suspek at biktima ay dati nang may alitan dahil naging dahilan ang biktima kung kaya nasuspinde noon sa trabaho ang nasabing pulis. Pinakahuli umano ang paninita ng  suspek sa biktima na pabalik-balik diumano sa bahay ng kung saan kumukuha at gumagamit ng iligal na droga.

May impormasyon din na ang suspek umano ay ‘tinabla’ ng isang grupo dahil nais gumamit ng iligal na droga at ibinaling ang galit sa biktima.

 

ALASKA SANCHEZ

BIKTIMA

HONORIO LOPEZ BOULEVARD

ISANG

ISINUGOD

MAYNILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

RIAD FERNANDO

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with