^

Metro

Hinihilang bus kumalas, 3-anyos patay sa atras

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 3-anyos na bata ang nasawi, habang isa pa ang sugatan, makaraang mabundol ng isang nasirang bus na kumalas habang hinahatak ng isa pang bus sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na ulat ni SPO1 Archilles Magat ng Quezon City Police Traffic Sector 1, nakilala ang nasawi na si Homer Bugarin; habang sugatan naman­ ang isang Genesis Kitlawan, 26, driver ng tricycle.

Hawak naman ng PS1 ang nagmaneho ng humahatak na bus na si Alvino Morales, 42, mekaniko, matapos na iturn-over ng barangay tanod ng nasabing barangay.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Ma­uban St., corner Biak-na-Bato, Brgy. Manresa, ga­nap na alas-8:45  ng umaga­.

Ayon kay Abba Abrilla, kalihim ng Brgy. Manresa, base sa impormasyon na nakara­ting sa kanila, isang pribadong bus na nasiraan ng preno ang hinahatak ng kapwa nito bus sa nasabing lugar.

Pagsapit sa palusong na bahagi ng Mauban St., biglang kumalas ang nasirang bus sa humahatak nito hanggang sa magtuluy-tuloy ito paibaba sa may nakaparadang tricycle kung saan naroon ang mga biktima at mabundol. Dahil sa tindi ng pagka­kabangga, dead-on-the-spot sa lugar ang bata, habang malubhang na­sugatan naman ang umano’y tiyuhin nito na itinakbo sa East Avenue Medical Center­.

 

vuukle comment

ABBA ABRILLA

ALVINO MORALES

ARCHILLES MAGAT

BRGY

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

GENESIS KITLAWAN

HOMER BUGARIN

MANRESA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with