Street sweeper, todas sa inutang na kanin at ulam
MANILA, Philippines - Patay ang isang street sweeper sa Luneta Park matapos na saksakin ng tatlong beses ng isang parking attendant kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.
Dead on the spot ang biktimang si Lorna Faedacan, 53, na nagtamo ng mga saksak sa katawan habang kusang loob namang sumuko ang suspek na si Eduardo delos Reyes Jr., alyas “Dayo” 40, tubong Western Samar.
Batay sa imbestigasyon ni SPO4 Milbert Balinggan , kay Sr. Insp. Steve Casimiro, hepe ng MPD- Homicide Section, dakong 8:30 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa harapan ng Manila Hotel, Phase 2 ng Rizal Park sa Ermita.
Sinisingil umano ng suspek ang biktima sa inutang nitong ulam at kanin. Nagalit ang biktima at pinagmumura ang suspek hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo.
Dahil naka-inom ng alak ang suspek, nagdilim ang paningin nito at inundayan ng saksak ang biktima.
- Latest