^

Metro

PSG nagbaril sa sarili

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ang patay makaraan umanong magbaril sa sarili sa harap ng kanyang girlfriend sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Ayon kay SPO2 Cris Zaldarriaga, imbestigador sa kaso, nakilala ang biktima na si Corporal Prince Girona, 30, at residente sa no.217 Leyte Golf, Veterans Village, Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Sabi ni Zaldarriaga, ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang ulo na agad na ikinamatay nito.

Nangyari ang insidente sa inuupahang kuwarto ng biktima ganap na alas 2:45 ng madaling araw.

Bago ito, nag-iinuman umano ang biktima, at kanyang girlfriend na si Geral­dine Casia, kasama ang kaibigan ng huli na si Fe Geno nang magawi ang usapan sa paghanga umano ng manager ni Casia sa kanya.

Dahil dito, tumayo ang biktima at nagpunta sa  kuwarto, kung saan sumunod naman umano si Casia at nagpaliwanag.

Pero habang nagpapaliwanag si Casia ay kinuha nito ang kanyang baril at pinaputok ng isang beses bago itinutok sa kanyang ulo at pinaputok.

Narekober sa lugar ang isang kalibre .9mm na baril at  basyo ng bala at tingga nito. 

Posibleng selos ang nagtulak sa biktima upang gawin ang pagpapakamatay  bagama’t inaalam din kung may foul play sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

CASIA

CORPORAL PRINCE GIRONA

CRIS ZALDARRIAGA

FE GENO

HOLY SPIRIT

LEYTE GOLF

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

VETERANS VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with