^

Metro

Mister, nagbigti dahil sa selos

Doris Franche-Borja, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Selos ang nakikitang  dahilan ng pagbibigti ng isang 25-anyos na mister sa loob ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila.

 Sa report ni Det. Rodelio Lingcong ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong 5:00 ng hapon nang nadiskubreng nakabigti ang leeg ng biktimang si Bernardo Salang ng 924 Gate 3 Area H, Parola Compound, Tondo gamit ang isang kumot ng kanyang live-in partner na si Dolores sa loob ng kanilang bahay.

 Ayon kay Aling Elvira, ina ng biktima, dalawang araw bago natagpuang patay ang biktima  ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktima at live-in partner nito.

 Hinala umano ng biktima, may kinahuhumalingan ang kanyang live-in partner dahilan kaya halos gabi-gabi umano itong nagtatalo .

 Samantala, wala na ring buhay  si Edward Magio nang matagpuan ng kanyang landlady na si Janneth Pancho, 33 sa inuupahan nitong kuwarto sa Bgy. San Roque,  Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Sisingilin sana ni Pancho  dakong alas-9:30 ng gabi ang biktima subalit hindi ito sumasagot kung kaya’t ginamitan niya ng “spare key” ang  pinto nito hanggang sa bumulaga ang nakabigting si Magio.

Inaalam na kung ano ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima at inaalam na kung may naganap na foul play sa nasabing insidente.

 

vuukle comment

ALING ELVIRA

AREA H

BERNARDO SALANG

EDWARD MAGIO

JANNETH PANCHO

MANILA POLICE DISTRICT

NAVOTAS CITY

PAROLA COMPOUND

RODELIO LINGCONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with