^

Metro

Kelot timbog sa tangkang hostage

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado at bugbog-sarado ang isang lalaki matapos pasukin at tangkaing i-hostage ang isang pamilya  sa Caloocan City, kahapon ng umaga.

Nakakulong ngayon sa Caloocan City Police detention cell habang nagpapagaling ng kanyang bukol at pasa sa katawan si Rodel Redoblado, 35,  ng Salaysalay St., Dagat-dagatan ng lungsod.

Sa report na natanggap ng Caloocan City Police, naganap ang insidente  alas-10:30 ng umaga, bumaba ang suspek  sa sinakyan nitong jeepney  sa San Miguel St., Sangandaan ng naturang  lungsod kung saan sinasabi nitong  hinahabol siya  ng hindi kilalang lalaki na may dalang baril.

Agad na pumasok sa isang bahay ang suspect kung saan nandoon ang mga biktimang sina Jomar Candidato; Rose Gueta at 3-anyos na anak nito.

Isinara ng suspek ang pinto bago naghalughog ng patalim sa loob ng bahay ang suspect kung saan napansin ng ilang kapitbahay ang kaguluhan na naging dahilan upang itawag ito kay Chairman Maricel Enrile ng Barangay 4 at mabilis namang rumisponde ang mga tanod.

Hindi na nakapalag ang suspek nang pagtulungan ito ng mga tanod at nang mailabas ay binugbog naman ito   ng mga residente bago dinala sa presinto.

Sinabi naman ng suspek na wala siyang intensiyon na i-hostage ang mga tao sa bahay at tanging patalim lang ang pakay niya upang maipagtanggol ang sarili sa lalaking humabol umano sa kanya.

vuukle comment

ARESTADO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHAIRMAN MARICEL ENRILE

JOMAR CANDIDATO

RODEL REDOBLADO

ROSE GUETA

SALAYSALAY ST.

SAN MIGUEL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with