^

Metro

38-anyos nagbaril sa sarili

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 38-anyos na lalaki ang nagbaril sa sarili sa loob ng isang gusali sa Manila Textile Building sa Soler St., sakop­ ng Binondo, Manila kahapon ng umaga.

Idineklarang dead-on-arrival sa Justice Jose Abad Santos General Hospital si Eduardo Bacud, ng Magsaysay St., Tondo, Manila.

Base sa report na ti­nanggap ni Senior Insp. Steve Casimiro hepe ng Manila Police District-Homicide Section, isang malakas na putok ng baril  ang na­rinig dakong alas-8:30 ng umaga.

Dito na nakitang du­guan at walang malay ang biktima ng ilang tambay sa lugar na mabilis na binuhat at dali-daling isinugod sa nabanggit na pagamutan, subalit hindi na umano ito umabot ng buhay sanhi ng isang tama ng bala sa ulo.

Nakikitang motibo ng  pulisya ang umano’y pakikipaghiwalay ng  kinakasama nito.

Iniimbestigahan kung may foul play sa nasabing insidente.

vuukle comment

BINONDO

DITO

EDUARDO BACUD

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL HOSPITAL

MAGSAYSAY ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MANILA TEXTILE BUILDING

SENIOR INSP

SOLER ST.

STEVE CASIMIRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with