^

Metro

Erap sa Acting MPD chief Crime rate ibaba

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibaba ang crime rate ng Maynila. Ito naman ang  hamon ni  Manila Mayor Joseph Estrada kay bagong Acting Manila Police District (MPD) Director, Sr. Supt. Rolando Nana matapos na masibak sa puwesto si Chief Supt. Rolando Asuncion bunsod na rin ng  mataas na crime rate sa lungsod.

Ayon kay Estrada, bagama’t tiwala siya kay Nana na kaya nitong ibaba ang  crime rate ng  Maynila, hindi naman umano dapat na  magkaroon ng mga fall guy na suspect.

Subalit ayon kay Estrada, nagpapasalamat pa rin siya  sa panunungkulan ni  Asuncion sa MPD  kung  kaya’t umaasa naman siya  kay Nana na pag-iibayuhin pa niya ang marangal at maayos na sistema sa pagpapatupad ng peace and order.

Giit ni  Estrada, umaasa din siyang  maibabalik ni Nana ang  karangalan ng  MPD  na nanalong best district  noong nakaraang taon.

Ayon naman sa mga  opisyal sa MPD at city hall, bahagyang nawala ang respeto ng mga pulis sa  panunungkulan ni Asuncion at low moral ang mga ito dahil mas takot ang  namamayani sa kanila sa pagpapatupad ng batas.

Paliwanag ng opisyal sa MPD at city hall na  mas magandang respeto ang manaig  sa pagitan ng mga pulis at MPD officials  dahil mas tumataas ang moral ng mga pulis.

Matatandaang mismong si Interior and Local Gover­nment Secretary Mar Roxas ang nagpahayag ng kanyang pagkadismaya sa mataas na  crime rate report ng mga police district.

ACTING MANILA POLICE DISTRICT

ASUNCION

AYON

CHIEF SUPT

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

ROLANDO ASUNCION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with