^

Metro

BoC pinopronta sa modus ng mga kawatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagsasagawa ng manhunt operation ang Manila Police District (MPD) sa mga taong nagpakilalang kawani ng Bureau of Customs (BoC) kaugnay sa mga ulat na ‘scam’ o panlilinlang sa publiko gamit ang modus operandi  na murang halaga  ng mga imported mobiles, gadgets at computers na mabibili sa murang halaga.

Kahapon ng hapon nang maghain ng pormal na reklamo ang isang computer programmer na tumangging magpakilala, kaugnay sa natangay sa kanyang P120,000 cash ng  tatlong lalaki sa Ermita, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section, Oktubre 10 (Biyernes) nang makilala ng biktima ang mga suspek na sina Christopher Chaves, na umano’y checker sa BoC; Eduardo Mendoza,  na umano’y isa namang Customs collector at ang isang nagpakilala lamang sa alyas  Manuel.

Aminado ang biktima na dahil lamang sa nakita niya sa ads sa internet (Sulit.com) ang ibinebentang murang sa­sakyan na Honda Civic model 2013 at sa pagka-interesado ay nakipagkita siya sa mga suspek.

Sa presyong P400,000 ay naibaba pa umano sa P350,000 hanggang sa magdesisyon na lamang na huwag nang kunin dahil duda sa presyo nito. Sa halip, ang mga murang cellphone at laptop na lamang ang kaniyang inorder sa mga suspek sa presyong P120,000.

Oktubre 11, kahapon ang pinagkasunduang transaksiyon subalit bigong makuha ng biktima ang 4 unit ng Apple laptop; at 2 unit ng Samsung S5 na cellphone. Inakala ng biktima na makukuha ang order nang sunduin siya ng alyas Manuel sa tapat ng isang hotel at sabay silang nagtungo sa tanggapan ng BoC  bandang alas-2:30 ng hapon kahapon.

Naghintay ang biktima sa labas ng isang opisina matapos ibigay kay Manuel ang P120,000 at sinabihan siya na 5 minuto ay magagawa na ang dokumento para mailabas ang kaniyang order.

Nagulat umano siya nang makita niya ang suspek na si Manuel at si Chaves na magka-angkas na sa motorsiklo at humarurot papaalis ng BoC.

Nang tawagan niya ay nakapatay na o "cannot be reach" na ang cellphone ng mga ka-transaksiyon.

BUREAU OF CUSTOMS

CHRISTOPHER CHAVES

EDUARDO MENDOZA

HONDA CIVIC

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT INVESTIGATION SECTION

MANUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with