Diamond Jubilee celebration ng QC, umarangkada
MANILA, Philippines – Pinangunahan nina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte ang isinagawang iba’t ibang bilang paunang selebrasyon sa pagdiriwang ng 75th Diamond Jubilee ng lungsod, kahapon.
Kabilang dito ang citywide medical mission, job fair, street party na ginanap sa iba’t ibang lugar mula district 1 hanggang district 6.
Ang jobs fair ay isinagawa mula alas-10 ng umaga hangang alas-4 ng hapon sa Ali Mall Cubao, Fisher Mall Activity Center, SM City Fairview, SM City North EDSA Sky Dome, Benigno Aquino Elementary School at St. Catherine College.
Bukod sa naturang mga pagdiriwang, mayroon ding citywide street party sa iba’t ibang itinalagang lugar at food festival.
Ngayong araw na ito naman ng Linggo ay magkakaroon ng misa ng bayan sa umaga sa QC Memorial Circle, gayundin ng Parade Floats, Zumba class at Gawad Parangal sa bandang alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
- Latest