^

Metro

2 biktima ng salvage, natagpuan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang  bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang  biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar  sa Maynila, kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Huling natagpuan ang isang lalaking tinatayang  nasa edad 35-40, may taas na 5’4’’, balingkinitan, nakasuot ng checkered na shortpants at t-shirt na puti. May piring na pulang panyo ang mga mata at may tatlong tama ng bala sa ulo.

Sa ulat ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, natagpuan ang bangkay sa ibabaw ng Nagtahan-Zamora bridge sa Beata, Pandacan, Maynila dakong alas-4:45 ng madaling-araw.

Isa pang hindi rin nakikilalang bangkay ng lalaki na nasa edad 30-35,   nakasuot ng kulay puting t-shirt, itim na pantalon at itim na sapatos ang nakitang lumulutang sa Manila Bay sa may Sitio Damayan, Brgy. 105 NHA, R-10 Tondo, Maynila,  dakong alas- 6:00 ng gabi kamakalawa.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Rodelio Lingcong, napupuluputan ng  duct tape ang buong ulo at ang mga kamay at paa ay iginapos din sa duct tape.

Nakitaan din ng mga sugat sa dibdib na pinaniniwalaang pinahirapan bago pinatay.

 

AYON

BRGY

DALAWANG

DENNIS TURLA

MANILA BAY

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RODELIO LINGCONG

SITIO DAMAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with