^

Metro

‘Tulak’ itinumba ng tandem

, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang mister na pinaniniwalaang ‘tulak’ ng droga   ang pinagbabaril hanggang sa mapatay  ng   riding in tandem na pinaniniwalaang miyembro ng drug syndicate matapos  umanong hindi mag-remit ang una, kahapon ng madaling araw sa  Parañaque City.

Dead-on-arrival sa Protacio Medical Hospital ang bik­timang si Romeo De Jesus, 40, ng Brgy. Tambo nang nasabing lungsod sanhi ng 19 na tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya sa insidente at inaalam na rin ang pagkakakilanlan sa mga suspek.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Johnny Margate, ng Station Investigation and Detective Management Section ng Parañaque City Police, naganap ang pamamaril alas-2:00 ng madaling araw habang ang biktima ay nakatayo sa harap ng kanyang bahay nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki na magka-angkas sa isang kulay pulang motorsiklo na walang plaka at walang salitang pinagbabaril ang una.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek at ang biktima naman ay dinala sa naturang ospital, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District (SPD), narekober ang  pitong basyo ng kalibre 45 baril sa pinangyarihan ng insidente na ginamit ng mga salarin.

Sinabi pa ni P02 Margate, ang biktima ay kilalang drug pusher sa nasabing lugar kaya’t hinihinala nilang onsehan sa droga ang motibo sa pagpaslang dito.

Samantala, patuloy pa ring nagsasagawa ng ma­susing imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente habang ang labi ng biktima ay pansamantalang inilagak sa People’s Funeral Homes upang isailalim sa awtopsiya.

 

CITY POLICE

FUNERAL HOMES

JOHNNY MARGATE

PROTACIO MEDICAL HOSPITAL

ROMEO DE JESUS

SAMANTALA

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with