^

Metro

Hapones nabaril ang sarili sa firing range

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tuluyang binawian ng buhay ang isang 70-anyos na Japanese national na di­umano’y aksidenteng naputukan ang  sarili na unang tumama sa baba at umabot hanggang sa utak ang bala  sa loob ng isang firing range  sa Ermita, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Naisugod pa sa Manila Doctors Hospital pero namatay din  ang biktimang si Su­gaya Shijuo, pansamantalang nanunuluyan sa Executive Plaza Hotel sa Mabini St., Ermita.

Masusing inaalam kung totoong accidental firing o may foul play  sa pangyayari.

Isinasailalim sa interogas­yon ang mga nakasama nitong sina Jaime Buan, 50, tourist guide-free lancer, residente ng Ignacio St., Pasay City; Carla Trinanes, 30, secretary ng firing range.

Iniimbestigahan din ang fi­ring range na Manila Shooters­ Firing Range ay pag-aari umano ni C/Insp. Jonathan dela Cruz. 51, ay nasa  Alhambra St., Ermita, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Crispino Ocampo ng Manila Police Dis­trict-Homicide Section,  naganap ang insidente sa loob ng nasabing firing range sa Ermita, dakong alas-2:30 ng hapon .

Nitong Oktubre 6 ng umaga, lamang umano dumating sa bansa ang biktima at sa Ninoy Aquino International Airport, Terminal 2 nakilala ang tourist guide na si Buan.

Sinamahan umano ni Buan ang biktima sa isang mall sa Pedro Gil sa Ermita at nagmeryenda bago nagtungo sa firing range.

Isa sa firing officer ang nagturo sa biktima na humawak ng baril at una umano ay wala munang bala ang kalibre 45, na iniabot sa biktima, hanggang sa matapos ang ilang pagpapaalala sa paghawak ng baril nilagyan na ito ng bala.

Nakatatlong putok muna umano ang biktima sa target paper at nang inakalang wala na umano itong bala, itinutok ang baril sa baba na diumano’y biglang pumutok.

ALHAMBRA ST.

BUAN

CARLA TRINANES

CRISPINO OCAMPO

ERMITA

EXECUTIVE PLAZA HOTEL

FIRING

FIRING RANGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with