^

Metro

San Beda College, binulabog ng ‘bomba’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kinansela ang pasok ng mga estudyante at empleyado sa San Beda College  matapos na makatanggap ng text message ang isang empleyado kahapon ng tanghali na may nakatanim na bomba sa nabanggit na paaralan.

Dahil dito, agad na tumawag  ang unibersidad ng responde mula sa  mga tauhan ng MPD-Explosive and Ordnance Division  (MPD-EOD) kung  saan bitbit ang K-9-dog ininspeksyon ang paligid ng kolehiyo  bandang 12:20 ng tanghali.

Sinabi rin  ng San Beda Law Student Government sa kanilang twitter account na “no class and work for the rest of the day”.

Batay sa ulat isang empleyado ang nakatanggap umano ng text message buhat umano sa isang magulang  na may sasabog na bomba sa loob ng campus dahil sa kanyang galit dahil pinatalsik sa paaralan ang kanyang anak.

Nagnegatibo naman sa bomba ang paligid ng unibersidad matapos ang isinagawang inspeksiyon, gayunman patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon kung sino ang sangkot sa naturang pananakot.

BATAY

BOMBA

DAHIL

EXPLOSIVE AND ORDNANCE DIVISION

KINANSELA

NAGNEGATIBO

SAN BEDA COLLEGE

SAN BEDA LAW STUDENT GOVERNMENT

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with