^

Metro

Paslit hulog sa ilog, lunod

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 7-anyos na batang lalaki ang nasawi makaraang malunod nang mahulog sa Marikina River sa Marikina City habang naglalaro ng bola.

Dakong alas-10:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Mark Villanueva Grade 1 pupil, at residente ng Park 22, Concepcion Uno, Marikina City.

Sa ulat nina SPO1 Fidel Draculan at PO3 Erik Orsal Marikina City Police, dakong ala-1:00 ng hapon  nang maganap ang insidente di kalayuan sa tahanan ng biktima.

Sa kuwento ni Marlon Villanueva, ama ng biktima, na naglalaro umano ng bola ang anak malapit sa ilog nang tumalbog ang bola nito at mahulog sa ilog.

Tinangka naman umano ng bata na habulin ang bola ngunit aksidenteng nadulas ito at nahulog at inanod ng malakas na agos ng tubig.

Tinangkang sagipin ang bata ngunit hindi ito natagpuan ng mga rescue team.

Kinaumagahan na nang matagpuan ang bangkay ng bata sa ilog na sakop na ng Ba­rangay Dela Peña at positibong kinilala mismo ng kanyang ama.

 

vuukle comment

CONCEPCION UNO

DAKONG

DELA PE

ERIK ORSAL MARIKINA CITY POLICE

MARIKINA CITY

MARIKINA RIVER

MARK VILLANUEVA GRADE

MARLON VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with