^

Metro

Miyembro ng ‘Ipit-taxi’, timbog

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -Nadakip  ang isa sa walong miyembro ng ‘Ipit Taxi gang’  nang aksidenteng marinig ng isang pulis-Maynila ang pag-uusap ng mga ito hinggil sa panghoholdap sa pasahero   sa Paco, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng naarestong si I-Jay , 17 , 3rd year high school at residente ng  Paco.

Sa ulat, sinabi ni PO2 Redentor Quilala, ng Union St., Paco at nakatalaga sa MPD-District Intelligence Division (DID), dakong alas-7:20 ng gabi kamakalawa habang ipinaparada niya ang kaniyang motorsiklo ay nagkataong dumadaan ang grupo ng mga lalaki at narinig niya na “Ok tong natira natin, bilisan niyo baka may makasunod pa sa atin”.

Nang tingnan niya ay nagmamadaling maglakad ang mga lalaki at isa sa mga ito ang may hawak na shoulder bag na pambabae, na paliko umano sa Felina St.  kaya muling pinatakbo ang motorsiklo at sinundan ang grupo.

Tinapatan niya ang may hawak ng shoulder bag at sinunggaban, dahilan upang magpulasan at nakatakas ng iba pang kasamahan habang hawak na ang suspek na si I-Jay.

Binitbit ito sa barangay hall ng Brgy.683 Zone 74 .

Nakontak din ni Quilala ang may-ari ng bag na lumutang sa presinto na kinilalang si Evelyn Mercado, 24, dalaga, accountant sa isang opisina sa Muntinlupa City.

Sa paglutang ng holdap victim, isinalaysay niya ka­sama ang naarestong suspek sa nagbukas sa sinasakyan niyang taxi, dakong alas- 7:01 ng gabi, kamakalawa, habang nakahinto dahil red traffic light, sa panulukan ng Quirino at P. Gil, nagdeklara ng holdap at  tinutukan siya ng patalim at kinuha ang kaniyang bag.

Naglalaman ang bag ng I-Phone 4s  na nagkakahalagang P30,000 at mga personal na gamit, passport, credit card at  health card at ang $10 at P200 na cash.

Nabatid na ang modus ay kundi magdeklara ng holdap habang nakahinto ang taxi para holdapin ang pasahero ay sumasakay ang mga suspek sa magkabilang pintuan ng taxi para mangholdap. (Ludy Bermudo)

 

vuukle comment

DISTRICT INTELLIGENCE DIVISION

EVELYN MERCADO

FELINA ST.

I-JAY

IPIT TAXI

LUDY BERMUDO

MAYNILA

MUNTINLUPA CITY

REDENTOR QUILALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with