^

Metro

Truck salpok sa jeep: 3 totoy patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang tatlong bata matapos na salpukin ng isang humaharurot na truck ang isang nakaparadang jeep na malapit sa pinag­lalaruan ng mga biktima sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Ang mga biktima na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng mga tinamong pinsala sa ulo at katawan ay nakilalang sina Jabez Marlo Gestupan, 9; Jerwin Mendoza, 7 at Adrian Boyson, 6, pawang mga residente ng Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Kasalukuyan namang nakakulong sa Caloocan City Police detention cell  at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide  and damage to property ang suspek na si Randy Molo, 30,  residente ng Quickway St., Brgy. Pajo, Meycaua­yan, Bulacan.

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Michael Calora, ng Caloocan City Police Traffic Bureau,  naganap ang insidente alas-3:00 ng hapon sa kahabaan ng Phase 10B, Block 5, Brgy 176, Bagong Silang ng naturang lungsod habang ang mga biktima ay naglalaro malapit sa nakaparadang jeep (UVD-879).

Nabatid na dumating ang rumaragang truck  na Fuso Canter na may plakang REN-265 na minamaneho ng suspek at sinalpok ang jeep kaya naipit ang mga batang naglalaro.

Binanggit pa sa ulat  na  hindi nakontrol ng driver na si Molo ang preno nang minamaneho nitong truck.

Nagawa pang isugod sa nabanggit na pagamutan ang mga biktima, ngunit binawian ng buhay ang mga ito habang ginagamot.

Habang agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang driver at maging ang minamaneho nitong truck.

ADRIAN BOYSON

BAGONG SILANG

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN CITY POLICE TRAFFIC BUREAU

FUSO CANTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with