^

Metro

1.3-M dayuhan dapat magparehistro

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Binibigyan ng pagkakataon ng  Bureau of Immigration simula sa Miyerkules ang may 1.3 milyon dayuhan sa bansa na magparehistro upang maiwasan  na ma-deport.

Ang  pahayag ay ginawa ni Immigration Commissioner Siegfred Mison matapos na malamang 200,000  lamang sa 1.5 milyong dayuhan sa bansa ang  nakarehistro at legal sa BI.

Sinabi ni Mison na simula sa Oktubre 1,  sinumang  dayuhan na mahigit na sa  59 araw na nasa bansa ay kailangan na magparehistro sa BI.

Batay sa bagong programa ng  BI’s alien registration, bibigyan ang lahat ng mga overstaying fo­reigners sa bansa ng isang taon upang magparehistro.

Maaaring magparehistro ang mga dayuhan sa may 43 immigration satellite offices sa bansa.

Tiniyak din ni Mison na kanilang tutulungan ang mga dayuhan na may problema sa kanilang visa status subalit kailangan ng mga ito na makipag-ugna­yan ng personal sa BI.

Nilinaw din ni Mison na hindi nila gustong gawin ang  deportation subalit kailangan din umanong sundin ng mga dayuhan ang Philippine immigration law.

 

vuukle comment

BATAY

BINIBIGYAN

BUREAU OF IMMIGRATION

DAYUHAN

IMMIGRATION COMMISSIONER SIEGFRED MISON

MAAARING

MISON

MIYERKULES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with