^

Metro

8 MPD cops dawit sa ‘kotong’, binigyang ultimatum

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - ‘Binibigyan ko sila ng hanggang  bukas para sumuko.’

Ito ang  ultimatum ni Manila  Police District (MPD) Director, Chief  Supt. Rolando Asuncion laban sa walong pulis ng  MPD-Anti-Carnapping and Hijacking Unit upang  sumuko matapos na masangkot  sa  pangongotong sa isang Pakistani national noong Setyembre 19.

Ayon kay Asuncion, bini­bigyan niya ng pagka­kataon ang mga pulis  upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili matapos na posi­tibong ituro  ng negosyanteng si Kamran Khan Dawood, 39, ng Platinum 2000 Annapolis  St. San Juan City.

Kahapon ay kinasuhan na ng  robbery extortion at paglabag sa Republic Act 3019  o Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Manila Pro­secutors Office sina P/Sr. Insp.  Rommel Geneblazo, SPO1 Michael Dingding, SPO1 Gerry Rivera, SPO1 Jay-An Pertubos, SPO1 Jonathan Moreno, PO2 Renato Ochinang at PO2 Marvin de la Cruz.

Sakali aniyang walang lumutang na pulis hanggang  bukas ay mapipilitan siyang maglabas ng manhunt laban sa mga ito. Base sa report ni Chief Insp. Arsenio Riparip,hepe ng MPD-Ge­neral Assignment Investigation Section kasabay umano ng paghahain ng kasong criminal sa Manila Prosecutor Office haharapin pa rin ng mga pulis ang kasong administratibo.

Kinumpirma rin ni  Asuncion na mayroon pang na­unang mga operasyon ang grupo ni Geneblazo subalit  pinili na lamang ng mga biktima na manahimik dahil sa takot.

Hinuli ng mga pulis si Dawood noong Biyernes ng  alas 1 pasado sa harap  ng Manila Pavillon sa Ermita, Maynila dahil sa umano’y pagbebenta ng mga carnap na sasakyan na kinabi­bilangan ng tatlong Toyota Camry at isang Mazda 523.

Sa kabila ng pagbi­bigay ng P100,000 mula sa P300,000  na usapan hindi pa rin nirelease  ng mga pulis­ ang kulay itim na Toyota Camry na may plakang XPN-274 ng biktima.

vuukle comment

ANTI-CARNAPPING AND HIJACKING UNIT

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ARSENIO RIPARIP

ASSIGNMENT INVESTIGATION SECTION

ASUNCION

CHIEF INSP

SHY

TOYOTA CAMRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with