^

Metro

Sumisingaw na mga imburnal sa Pasay, inireklamo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na matiis ng mga pulis at ng mga kagawad ng Bureau of Jail Management ang Penology (BJMP) sa Pasay City Jail kasabay ng pangambang kumalat ang sakit ang umano’y nakaka­sulasok na amoy buhat sa sumisingaw na ba­radong  drainage.

Ayon sa mga pulis na nakatalaga sa Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Police,  hindi na nila matiis ang amoy sa paligid ng Pasay City Police at Pasay City Jail, na nasa likuran lamang ng Pasay City Hall Office dahil sa mga nakabukas na drainage o imburnal.

Nabatid na mahigit 15 taon na umanong problema ang mga baradong drainage sa lungsod kabilang ang naturang lugar, na hanggang sa ngayon ay hindi pa nasosolusyunan.

Bukod pa rito, sa tuwing bumubuhos ang malakas na ulan ay umaapaw ang dumi ng tao at lubog sa maruming tubig-baha ang tanggapan ng Pasay City Police  at ang Pasay City Jail.

Hindi lamang mga kapulisan at jail guard ang nakaka­ranas ng ganitong problema, maging ang mga reporter, dahil mismo sa Press Office nito ay malapit ang imburnal kaya’t ilang mamamahayag ang nakakaranas ng sakit dahil sa hindi masikmura ang napakabahong amoy.

Kaagad namang ipinagbigay-alam sa tanggapan ni Pasay City Mayor Antonino “Tony” Calixto ang matagal na umanong  reklamo. Nang malaman ito ng naturang alkalde ay agad naman­ nitong inatasan si Engineer Renato Sanchez na gawan ng solusyon ang naturang reklamo.

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT

CITY

ENGINEER RENATO SANCHEZ

PASAY

PASAY CITY HALL OFFICE

PASAY CITY JAIL

PASAY CITY MAYOR ANTONINO

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with