^

Metro

4 Chinese sa P7-B shabu isinalang sa inquest proceedings

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isinailalim na sa inquest proceedings sa Department of Justice  (DOJ) ang apat na Chinese national  na na­aresto kaugnay sa nasamsam na kilu-kilong iligal na droga o katumbas na halagang P7-bilyon sa San Fernando, Pampanga nitong  nakalipas na Biyernes (Setyembre 12).

Ang mga suspek ay kinilalang sina Jason Lee, Willy Yap, Neri Tan at Ying Hiang alyas Sophia Lee na mula sa Xiamen at Fujian, China ay dinala sa DOJ kasama ang isang abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO).

Sila ay sumalang sa pag­dinig na isinagawa ni Asst. State Prosecutor Michael Vito Cruz para sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Ang mga dayuhan ay na­­aresto kasunod ng isina­gawang pagsalakay ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at PNP-Anti Illegal Drugs Special Operations Task Force sa dalawang warehouse sa Richtown at Greenville Subdivision sa Pampanga.

Aabot umano sa ma­higit 400 kilo ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa da­lawang pagsalakay na isi­nagawa sa bisa ng search warrant na inisyu­ ng Quezon City Regional Trial Court Branch 78.

 

DEPARTMENT OF JUSTICE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

GREENVILLE SUBDIVISION

JASON LEE

NERI TAN

PAMPANGA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with