^

Metro

Taxi driver niratrat, patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang taxi driver­ makaraang barilin sa ulo ng hindi­ nakikilalang salarin habang nagpapa-repair ang una ng stereo ng kanyang sasakyan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ni PO2 Julius Balbuena, ang biktima na si Franklin Mercader, 45, ng Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.

Ayon kay Balbuena, ang biktima ay binaril ng hindi natukoy na suspek sa harap ng Inson’s store na nasa kahabaan ng Aurora St., Area 5, Veterans Village, ganap na alas-11:50 ng umaga.

Base sa pahayag ni Ro­berto Caro, sisimulan pa lamang niyang ayusin ang pinagagawa ng biktima na stereo ng kanyang taxi (TYN-770) nang makarinig siya ng putok ng baril malapit sa lugar.

Nang kanyang tingnan ay bumulaga sa kanyang ha­rapan ang duguang katawan ng biktima kaya agad niya itong iniulat sa barangay na siyang tumawag ng pulisya.

Sa pagsisiyasat ng awto­ridad, narekober sa lugar ang isang basyo ng kalibre .45 baril at isang tingga nito.

Patuloy ang imbestigas­yon ng pulisya sa nasabing in­sidente.

 

vuukle comment

AURORA ST.

AYON

BALBUENA

BRGY

FRANKLIN MERCADER

JULIUS BALBUENA

PASONG TAMO

SHY

VETERANS VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with