^

Metro

Pulis pa, timbog sa droga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang  aktibong pulis ang nadakip sa pagbibitbit  umano ng iligal na droga habang sakay ng isang tricycle, sa San Miguel, Quiapo, Maynila, kamakalawa.

Narekober umano sa bulsa ni PO1 Libe­rato Cruz, 32, nakatalaga sa NCRPO, at residente ng Tondo, Maynila ang tinatayang 2.5 gramo ng shabu nang sitahin siya ng mga kabaro habang sakay sa isang   tricycle.

Sa ulat ni SPO1 Alonzo Layugan, bukod kay  Cruz, dalawa pang kasama nito na sina Rhovil Tiatco Jr., 22; at Jason Carreon, 29, tricycle driver  ang dinakip din dakong alas-3:10 ng madaling-araw sa may panulukan ng  C. Palanca at P. Casal Sts. San Miguel, Quiapo.

Sinabi ni Layugan na ang tricycle na kinalululanan ng mga suspek ay nagbeat ng red traffic light , kaya sila sinita ng mga awtoridad. Gayunman, kahit nagpakilala siyang pulis, narinig ng isa sa arresting officer na nag-uusap  ang kasama nito at si Cruz .

“May narinig yung mga pulis na bakit mo ipinapasa sa akin yan”  sabi umano ni Tatco kay Cruz kaya  binusisi ng mga pulis ang hawak ni Cruz na nakumpirmang  sachet ng iligal na droga.

ALONZO LAYUGAN

CASAL STS

CRUZ

GAYUNMAN

JASON CARREON

MAYNILA

RHOVIL TIATCO JR.

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with