^

Metro

Shabu kuha sa warehouse ng express courier service

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pakete ng shabu papuntang Israel ang nasabat ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa warehouse ng isang express courier service sa Pasig City.

Ayon kay PDEA Di­rector General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang papalabas na pakete ay naglalaman ng dalawang plastic packages na may 12 transparent plastic sachets ng shabu at tumitimbang ng aabot sa 120 grams.

Nasabat ang naturang kontrabando ng PDEA Re­gional Office-National Capital Region (PDEA RO-NCR)­ sa pamumuno ni Atty. Jacque­lyn de Guzman makaraang makatanggap ito ng tawag sa telepono mula sa isang courier service na nagsa­sabing nasa kustodiya nila ang dalawang packages ng hinihinalang iligal na droga.

Agad na nagtungo ang mga operatiba sa warehouse na matatagpuan sa Brickstone Street, Brgy. Kapitolyo, Pasig City, alas 12 ng tanghali, kung saan nakuha ang nasabing mga droga.

 

AYON

BRGY

BRICKSTONE STREET

CACDAC

DALAWANG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GENERAL UNDERSECRETARY ARTURO G

OFFICE-NATIONAL CAPITAL REGION

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with