^

Metro

Biktima ng salvage natagpuan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang  bangkay ng hindi kilalang lalaki, na hinihinalang biktima ng salvage  ang natagpuang  palutang-lutang sa isang ilog sa Pasay City kamakalawa.

Sa report na natanggap ni Senior Supt. Melchor Reyes, hepe ng Pasay City Police, alas-6:00 ng gabi nang makatanggap sila ng ulat hinggil sa insidente sa Macapagal  Bridge Boulevard ng naturang lungsod. 

Lumalabas sa imbestigasyon ni SPO1 Genomar Geraldino,  ng Homicide Section, Pasay City Police, alas-3:30 ng hapon nang madiskubre ang sako na palutang-lutang sa naturang lugar. Nang buksan ay dito na  tumambad  ang bangkay ng lalaki­  na may  taas na 5’2”,  nakasuot ng maong na pantalon at   t-shirt. Nakatali rin ng straw ang mga kamay at paa nito.

Sa isinagawang pagsisiyasat puno ng latay ang katawan ng biktima na palatandaang pinahirapan ito nang husto bago tuluyang pinaslang.

Ayon sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern­ Police District (SPD), walang nakuhang pagkakakilanlan sa  biktima, maliban sa isang sim card ng cellphone na nakuha sa bulsa nito,  na posibleng magamit na ebidensiya para sa imbestigasyon. Ang bangkay  ng biktima ay nakalagak ngayon sa  Rizal Funeral Parlor.

 

vuukle comment

BRIDGE BOULEVARD

GENOMAR GERALDINO

HOMICIDE SECTION

MELCHOR REYES

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

POLICE DISTRICT

RIZAL FUNERAL PARLOR

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with