^

Metro

Tanod kritikal sa boga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang ba­rangay tanod matapos itong barilin  ng isa sa dalawang kalalakihan, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Kasalukuyang ginagamot sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ulo ang biktimang si Amos Ilagan, 53, residente ng Brgy. 3, Sangandaan ng nasabing lungsod.

Lumalabas sa pagsisi­yasat ni PO2 Cesar Garcia, ng Caloocan City Police, naganap ang insidente alas-6:30 ng gabi sa panulukan ng A. Mabini at Villa Gutierrez Sts., Brgy.3, habang ang biktima ay nakatayo sa naturang lugar  nang bigla na lamang lapitan ng dalawang suspek at isa dito ang bumunot ng baril hanggang sa pinaputukan sa ulo ang una.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek na naglalakad lamang at ang biktima naman ay dali-daling isinugod sa naturang pagamutan ng ilang taong nagmamala­sakit. Iniimbestigahan pa ang na­turang insidente.

 

vuukle comment

AMOS ILAGAN

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MEDICAL CENTER

CALOOCAN CITY POLICE

CESAR GARCIA

INIIMBESTIGAHAN

KASALUKUYANG

VILLA GUTIERREZ STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with