^

Metro

Women traffic enforcer ikakalat sa EDSA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa 60 kababaihan na tinaguriang women traffic auxiliary ang ipinakalat  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga kritikal area o matrapik na lugar ng kahabaan ng EDSA.

Ayon kay Crisanto Saruca, hepe ng MMDA Traffic Disciplne Office, tinawag ang grupo na Task Force EDSA Lady Auxiliary Platoon.

Nabatid, na mas responsable ang mga kababaihang enforcer kaysa mga kalalakihan.

Layunin umano ng deployment ng task force enforcer ay upang pigilan ang mga nasasangkot sa pangongotong sa mga motorista dahil mas  nirerespeto ang mga ito kaysa sa mga kalalakihang enforcer.

Nilinaw ng opisyal na ang mga ito ay sumabak sa masusing pagsasanay subalit hindi sila inisyuhan ng paniket  at ang kanilang trabaho lamang ay magmantina ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA at hindi sila pwedeng manghuli ng lumalabag sa batas trapiko.

AABOT

AYON

CRISANTO SARUCA

LADY AUXILIARY PLATOON

LAYUNIN

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

TASK FORCE

TRAFFIC DISCIPLNE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with