Wanted timbog sa ‘Oplan Galugad’
MANILA, Philippines - Arestado ng pulisya ang isang ‘wanted’ sa batas sa isinagawang ‘Oplan Galugad’ sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Senior Supt. Severino Abad, hepe ng Malabon City Police ang nadakip na si Glenardo Aquino, 47, ng Magsaysay St., Brgy. San Agustin ng naturang lungsod.
Ayon sa report ng Malabon City Police, alas-10:00 ng gabi nang magsagawa ng follow-up operation ang mga pulis sa Paradise Village, Brgy. Tonsuya ng naturang lungsod.
Nagresulta ito nang pagkakadakip sa naturang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Emmanuel Laurea ng Malabon City Regional Trial Court, Branch 169 dahil sa kaso nito na may kinalalaman sa droga.
- Latest