^

Metro

Illegal recruiter, huli sa bitag

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang illegal recruiter na nakapanloko ng may labing-tatlong katao na pinangakuang ipadadala sa ibang bansa sa isinagawang entrapment operation,  kahapon ng umaga  sa Pasay City.

Nakakulong ngayon sa Pasay City Police detention cell ang suspek na si Jovel Palma, 44,  tubong Itlugan, Rosario Batangas. Kinilala naman ang isa sa 13 biktima na si Mercy Francisco, 23, ng Brgy. Santo  Niño,  Lipa City.

 Ayon kay Chief Inspector Joey Goforth, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIMB), alas-10:00 ng umaga nang magsagawa ng entrapment operation ang kanyang mga tauhan sa EDSA Avenue-Rotonda ng naturang lungsod, na nagresulta nang pagkakadakip sa suspek.

Batay sa pahayag ni Francisco, hiningan siya ng halagang P25,000 ng suspek  upang ayusin ang kanyang mga papeles patungo sa Dubai para makapagtrabaho doon.

Noong nakaraang linggo ay nagkita sila ng suspek   at nagbigay siya ng paunang bayad na halagang  P12,000.00.

Makalipas ang isang buwan ay muli siyang tinawagan ng suspek at hinihingi na sa kanya ang kulang aniya niyang pera para maayos na ang mga dokumento nito at tuluyan na itong makaalis.

Subalit sa takbo nang pakikipagtransaksiyon ng biktima sa suspek tila wala naman aniyang nangyayari sa pangako nito at parati lamang siyang pinapabukas-bukas nito.

Dahilan upang magsumbong na sa mga pulis ang biktima kung saan inihanda ang entrapment operation laban sa suspek na naging dahilan nang pagkakaaresto nito.

Nabatid na hindi lamang si Francisco ang naging biktima, kung saan may 12 pang katao ang naloko nito.

CHIEF INSPECTOR JOEY GOFORTH

JOVEL PALMA

LIPA CITY

MERCY FRANCISCO

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

ROSARIO BATANGAS

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with