^

Metro

Konduktor dedo sa barker na snatcher

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Napatay sa saksak ang isang konduktor ng isa sa dalawang barker matapos tulungan ng una ang isang pasaherong babae na hinablutan ng kuwintas ng mga suspek, kamakalawa sa Pasay City.

Dead on arrival sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Daniel­ Angeles, 31, ng Brgy. Tebag, Sta Barbara, Pangasinan, konduktor ng Five Star Bus Corporation.

Pinaghahanap na­man­ ng pulisya ang mga sus­pek na kinilala sa police photo gallery na sina  Louie­ Lim,  34,  at Benjie Tengco.

Sa report na natanggap ni Chief Inspector Joey Goforth, hepe ng Sta­tion Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Pasay City Po­lice, naganap ang insidente alas-2:15 ng hapon sa harap ng Mightee­ Mart Convenience­ Store sa kahabaan ng EDSA  Ave­nue, ng naturang lungsod.

Kasalukuyan nakasa­kay ang biktima  sa Five Star Bus na may rutang Pangasinan kung saan kagagaling lamang nila sa terminal ng Five Star Bus sa Aurora Boulevard, Quezon City.

Habang binabagtas   ang kahabaan ng EDSA Avenue, Pasay City, pumara ang isang babaeng pasahero sabay baba naman ng nasawi para tulungan itong buhatin ang mga bagahe nito.

Paakyat na ang pasahero nang lumapit ang mga suspect at hablutin ang suot na kwintas nito. Tumulong naman ang konduktor sa pamamagitan nang pagbato sa dalang bagahe dahil dito siya ang pinagbalingan ng mga suspect at inundayan ng sunud-sunod na saksak.

Agad naman isinugod ng driver ng bus na si Meynardo Encio, 47, ang biktima sa naturang ospital, subalit hindi na umabot ng buhay.

 

vuukle comment

AURORA BOULEVARD

BENJIE TENGCO

CHIEF INSPECTOR JOEY GOFORTH

FIVE STAR BUS

FIVE STAR BUS CORPORATION

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BRANCH

PASAY CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with