^

Metro

Maintenance contract sa MRT, napaso na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Napaso na kahapon, Setyembre 4, ang maintenance contract ng Autre Porte Technique (APT) Global Inc., para sa pagmamantine ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Sa kabila naman nito, sinabi ni MRT Spokesperson Atty. Hernando Cabrera na palalawigin pa ng month-to-month basis ang kontrata ng APT dahil wala pang papalit na contractor dito.

Patuloy rin aniyang mae-extend ang kontrata hanggang wala pang nakukuhang kapalit na maintenance provider. Inamin naman ni Cabrera na ikinagulat rin nila na hindi agad  naumpisahan ang  bidding  para  sa  bagong  contractor.

Nauna rito, sinabi ni Senador Grace Poe sa pagdinig ng Senado na dapat tutukan ang bidding sa susunod na maintenance provider ng MRT-3 kasunod nang pagkapaso ng kontrata ng APT Global.

Lumitaw naman sa Senate hearing na bumagsak ang performance ng MRT-3 mula noong 2012 nang ang APT Global na ang may hawak ng kontrata bilang maintenance provider nito.

vuukle comment

AUTRE PORTE TECHNIQUE

CABRERA

GLOBAL INC

HERNANDO CABRERA

INAMIN

LUMITAW

METRO RAIL TRANSIT

SENADOR GRACE POE

SPOKESPERSON ATTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with