^

Metro

Bebot binoga ng ka-live-in na parak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang 28- anyos na babae matapos itong barilin ng kinakasamang pulis makaraan ang mainitang pagtatalo, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Dead on the spot ang biktimang si Ana Nerrisa  Lee, ng Aratelis St., Durian Extension, Brgy. CAA ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong dalawang tama sa ulo at katawan buhat sa .9mm pistol.

Pinaghahanap naman­ ngayon ng pulisya ang suspek na si P02 Volter­ “Bong” Guerrero, nakata­­­laga sa Regional Police Holding Center ng Na­tional Capital Region Po­lice Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Ta­guig City.

Base sa isinagawang pagsisiyasat ni P02 Al Shahriff A Uy, ng Station Investigation Division (SIDMB), Las Piñas City Police, naganap ang insidente alas-7:25 ng gabi  sa loob ng bahay na inuupahan ng dalawa sa Aratelis St., ng nasabing lungsod.

Ayon sa pahayag ng testigo unang narinig ang pagtatalo ng dalawa. Ka­­sunod nito ang mga putok ng baril kung saan bumulagtang duguan ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tu­ma­kas ang suspek at sa gi­­nawang pagsisiyasat na­man ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Southern Police District (SPD) naka-rekober ang mga ito ng  dalawang slug ng .9mm pistol sa loob ng bahay ng biktima na posibleng ginamit ng suspek sa pagpatay. Patuloy naman ang ginagawang pagtugis sa suspect.

 

vuukle comment

AL SHAHRIFF A UY

ANA NERRISA

ARATELIS ST.

CAMP BAGONG DIWA

CAPITAL REGION PO

CITY POLICE

LAS PI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with