^

Metro

Lalaki tinarget sa ulo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na naiuwi pa ng isang ama ang bini­ling gamot para sa may sakit na anak makaraang barilin ito sa ulo ng isa sa dalawang hindi nakilalang salarin, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Patawirin ngayon ang buhay sa loob ng East Avenue Medical Center sa Quezon City ang biktimang si Rolando Cordero, 28, ng Block 29 Package 11 Phase 7-C, Brgy. Bagong Silang.

Sa ulat ng Caloocan Police, naganap ang pamamaril dakong alas-7:30 ng umaga sa may NHA Pabahay sa Brgy. 188 Tala.  Bumili ng gamot para sa may sakit na anak ang biktima at pauwi na ng bahay nang salubungin ng mga salarin.

Bigla na lamang umanong nagbunot ng baril ang isa sa mga salarin at harapang ipinutok sa ulo ng biktima.  Mabilis na tumakas ang dalawang salarin tungo sa hindi mabatid na lugar.

Ayon sa pulisya, maaaring may kaugna­yan pa rin ang lumalalang problema sa iligal na droga sa Brgy. Bagong Silang sa Caloocan ang naturang tangkang pamamaslang.  Posible umanong inakala ng sindikato ng iligal na droga na isang impormante ang biktima kaya nila tinangkang itumba.

AYON

BAGONG SILANG

BIGLA

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

ROLANDO CORDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with