^

Metro

Driver niratrat, patay

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang driver makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang salarin sa ba­rangay Commonwealth, Quezon City kahapon ng alas 4:30 ng madaling-araw. 

Kinilala ang biktima na si Valentino Torres, 43,  part time driver ng Ericson St. Doña Nicasia Subd., Brgy. Common­wealth sa lungsod.

Ayon kay PO3 Hermogenes Capili ng QC Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang insidente sa Payatas Road, Ipil Ipil St.,Payatas B. Si Torres ay nasawi dahil sa tinamong apat na tama ng bala ng baril sa kanyang katawan.

Sinasabing pinakiusapan si Torres para ipagmaneho ang isang Evelyn Lisardo kung kayat nagtungo ang una sa bahay ng huli sa nabanggit na lugar. 

Habang binubuksan na ng biktima ang gate ng bahay ni Lisardo ay doon na sunud -sunod na pinagbabaril ang una ng hindi kilalang salarin na agad nitong ikinasawi .

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa krimen, ha­bang pa­tuloy­ namang ini­imbestigahan ang insidente.

 

vuukle comment

ERICSON ST. DO

EVELYN LISARDO

HERMOGENES CAPILI

IPIL IPIL ST.

NICASIA SUBD

PAYATAS B

PAYATAS ROAD

POLICE DISTRICT CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with