^

Metro

Parricide iniharap vs misis suspects sa Enzo slay, kinasuhan sa DOJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinasuhan ng murder­ at frustrated murder kahapon ng umaga sa Department of Justice ang negosyante na sinasabing mastermind at pulis na gunman sa kasong pamamaslang sa  international car racing­ champion na si  Ferdinand  ‘Enzo’ Pastor noong Hunyo.

Kasabay nito, ki­na­­­suhan na rin ng parricide at frustated murder ang misis ni Pastor na si Dahlia na umano’y ka-relas­yon  ng negos­yan­teng si Domingo ‘Sandy’ De Guzman III.

Personal na dinaluhan ng mga magulang ni Pastor ang pagsa­sampa ng kaso laban kay De Guzman at PO2 Edgar Angel ng  Pasay police, na  umano’y inu­pahan ng negosyante upang patayin  ang car racer. Sugatan din si Paulo Salazar na as­sistant ni  Pastor nang maganap ang krimen.

Bukod sa pagsa­sampa ng kaso sa tanggapan ni DOJ State Prosecutor Susan Villa­­nueva, suma­ilalim din si De Guzman sa inquest pro­ceeding bunsod naman ng  kasong illegal possession of firearms.

Ibinunyag ni Angel na nakatanggap siya ng P100,000 mula kay De Guzman para sa pagpatay kay Enzo.

Hanggang sa nga­yon hindi pa narerekober ng pulisya ang motor­siklo at baril na ginamit ng gunman sa pagpaslang sa car racer champion.

Samantala, no comment naman ang pa­milya Pastor sa lumalabas na anggulo na battered wife ang misis ni Enzo na si Dahlia Guerrero Pastor. 
Ito kasi ang lumalabas na dahilan kung bakit humantong sa pagpatay sa biktima na si Enzo.

Tinukoy ng pulisya na kabilang si Dahlia sa nagplano sa pagpatay sa kaniyang asawa na si Enzo, matapos mabatid na mayroong illicit love affair sa suspek na si de Guzman.

Kasalukuyang tinutugis na ng pulisya si Dahlia. Hindi naman makapaniwala ang mga ma­gulang ni Enzo Pastor­ na may kinalaman sa pagkamatay ng kanilang anak ang kanilang manugang.

Ayon kay Tomas Pastor, ama ni Enzo na nagtungo pa sa burol at sa lamay ng kanilang anak si Dahlia kasama ang mga magulang nito at simula noon hindi na ito nagpakita pa sa kanila.

Samantala, tiniyak naman ni Bureau of Immigration spokesperson Atty. Elaine Tan  na nasa bansa pa si Dahlia batay na rin sa   kanilang data-base ng travel record.

 

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

DAHLIA GUERRERO PASTOR

DE GUZMAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

EDGAR ANGEL

ENZO

PASTOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with