^

Metro

Sa patuloy na pag-ulan Metro Manila binaha

Lordeth Bonilla, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumanas ng matinding pagbaha sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila dahil sa malakas na ulan simula kamakalawa ng gabi, dahilan upang magsuspinde ng klase sa ilang paaralan.

Sa kabila nang patuloy na pag-ulan kahapon, sa pinakahuling impormasyon na inilabas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  ay humupa na rin ang pagbaha.

Ayon kay  Joey Mañalac,  ng  MMDA Flood Control and Information Center (FCIC), nabatid na  ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila ang binaha  partikular sa area ng EDSA, Araneta,  Quezon Avenue sa Quezon City at ma­ging ang malaking bahagi ng España sa Maynila kung saan umabot umano hanggang bewang ang tubig.

Kahapon ng ay sinuspinde ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang klase sa lahat ng antas.

Ngunit paglilinaw ni Manalac, may tatlong lugar sa  lungsod ng Maynila ang nanantiling nasa gutter-deep ng tubig baha, ito ay ang  bahagi ng Abad Santos, Tayuman at P. Burgos ngunit passable naman aniya para sa  mga  light vehicles­. Nadaanan na rin sa lahat ng uri ng sasakayan ang  A. Mendoza sa Central Market.

Sa bahagi ng Caloocan, binaha rin ang bahagi ng  Pajo  at Juan Luna na nasa pagitan ng Caloocan at Maynila ngunit ito’y nadaanan na rin kahapon ng lahat ng uri ng sasakyan.

Nagsuspinde rin kahapon ng klase ang pamahalaang lungsod ng Pasay, ito ay ang mula sa pre-school hanggang high school.

ABAD SANTOS

CALOOCAN

CENTRAL MARKET

FLOOD CONTROL AND INFORMATION CENTER

JOEY MA

MAYNILA

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with