^

Metro

HS studes, aayudahan sa larangang papasukin

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aayudahan at kaka­usapin ng mga tauhan ni Quezon City  Vice Mayor Joy Belmonte ang mga mag-a­aral sa high school sa lungsod.

Ito ay upang malaman mula sa mga mag-aaral kung ano ang larangan na nais nilang tahakin bilang paghahanda sa kanilang pagtuntong sa kolehiyo para makatulong sa kanila sa hinaharap.

Aalamin sa may mahigit 8,000 mag-aaral sa public high schools sa lungsod kung ang nais nilang pasuking larangan ay sa akademya, sports, technical o vocational courses at art o design.

Sa pamamagitan nito, matitiyak ng tanggapan ni Belmonte ang mga bagay at mga paraan na kailangang ituro sa kanila at mga ka­alaman na maaaring pag­yamanin para higit na ma­ging competitive at magamit ang pinag-aralan sa hangad na uri ng trabaho.

Binigyang-pansin ni Belmonte ang paglalaan ng pro­grama para rito dahil nalaman niya na may ilang mga nakapagtapos ng kurso ay hindi naman nagamit nang wasto ang kanilang pinag-aralan sa field na napuntahan dahil hindi akma ang trabaho sa natapos nitong  kurso.

Kasama ng QC government sa programang ito ang Division of City Schools ng Quezon City .

AALAMIN

AAYUDAHAN

BELMONTE

BINIGYANG

DIVISION OF CITY SCHOOLS

QUEZON CITY

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with