^

Metro

2 patay, 3 sugatan sa pamamaril sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa ang patay, ha­bang tatlo pa ang sugatan makaraang paulanan sila ng bala ng apat na armadong kalalakihan sa lungsod Quezon­ kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO1 Erick Isidro, may-hawak ng kaso, na­kilala ang mga nasawi na sina Derwin Deloso, 25, cons­truction worker; at Rondy Solano, 23, binata, garbage collector, kapwa residente ng Lupang Pa­ngako Payatas B, sa lungsod.

Habang ang mga sugatan naman ay sina Herma Rabago, 30; Jessie Boy Aboylo­, 23; at Herbert Aboylo, 25;  pawang mga nakaratay ngayon sa FEU Hospital.

Sabi ni Isidro, apat na armadong kalalakihan ang itinuturong responsable sa nasabing kirmen na nangyari sa  harap ng isang bahay sa Phase 1, Block 13, Lot 1, Lupang Pangako, Payatas, ganap na alas-7:30 ng gabi.

Kuwento ng isang testigo, nakatayo siya sa tabi ng mga biktimang sina Deloso at Solano na noon ay nakaupo at nagkukuwentuhan nang biglang dumating ang apat na suspek na armado ng baril at pinagbabaril ang dalawa.

Matapos ang pamamaril, ay nagmura pa ang mga sus­­pek at sinabing “mga hol­daper kayo”. Bago pa tu­luyang tumakas ang mga ito ay walang habas na nagpa­putok pa ng kanilang mga armas ang mga suspek sa iba’t ibang direksyon sanhi para tamaan sina Herma, Jessie Boy at Herbert.

Patuloy pa ang isinasa­gawang pagsisiyasat sa insidente.

DERWIN DELOSO

ERICK ISIDRO

HERBERT ABOYLO

HERMA RABAGO

JESSIE BOY

JESSIE BOY ABOYLO

LUPANG PA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with