^

Metro

Lolo namatay sa paghahanap sa kaanak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lolo ang inatake sa puso at namatay habang naghahanap sa nawawala niyang mga kamag-anak sa Sampaloc, Maynila kamaka­lawa ng gabi. Tinayang nasa edad na mula 70 hanggang 75 anyos ang biktima na hindi pa makilala habang isinusulat ito. May katabaan ang pa­nga­ngatawan ng matanda, naka-abuhing sando, nakasuot ng itim na pantalon at tsinelas.

Ayon sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 6:30 ng gabi nang bigla na lamang nawalan ng malay ang biktima habang nasa mahabang  bangko sa loob ng barangay hall ng Barangay, 497 Zone 49.

Ayon kay kagawad Cherie Bengao, humingi ng tulong sa kanilang barangay ang matanda  dahil sa lugar umano ng Kundiman St. nakatira ang mga nawawalang kamag-anak nito. Hindi umano natagpuan ng mga tanod ang sinasabing kaanak nito hanggang sa  hayaan na nilang makapagpahinga ito sa loob ng barangay hall.

May halos isang oras pa lang  itong nakapagpahinga  nang mapuna na hindi na ito gumagalaw. Wala namang anumang sugat na nakita sa katawan ng biktima kaya ipinalalagay ng pulisya na inatake ito sa puso.

vuukle comment

AYON

CHERIE BENGAO

ISANG

KUNDIMAN ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RICHARD ESCARLAN

TINAYANG

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with