^

Metro

Ex-police utas sa tandem

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang dating pulis Malabon makaraang ratratin ng riding in tandem na suspects  sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Anim na tama ng   bala ng baril ang tumapos sa buhay ng biktimang Johnny  Canseco, dating nakatalaga sa Malabon Police  at residente ng Langaray, Caloocan City.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan  sa mga  suspek na magkaangkas na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report ni Det. Glenzor Vallejo ng Manila Police District (MPD)-Homicide section, dakong alas-12:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Quiricada at Jose Abad Santos Sts., Tondo, Manila

Nauna rito, nakatayo habang nagti-text ang biktima sa nasabing lugar nang lapitan siya ng suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ito.

Nang matiyak ng mga suspek na patay na ang biktima ay mabilis na itong nag­sitakas.

Nabatid na may tatlong taon nang AWOL ang bik­tima. Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CANSECO

GLENZOR VALLEJO

INAALAM

JOSE ABAD SANTOS STS

MALABON

MALABON POLICE

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with