^

Metro

Pasaway sa kalsada huhulihin ng DSWD, Barangay -- MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinasa ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang pang­huhuli sa iba’t ibang pasaway sa kalsada tulad ng mga koto­ngerong barker at “gagamba boys” sa mga opisyal ng Department of Social Welfare and Deve­lopment at baran­gay na nakakasakop sa ka­bila na nakakadagdag rin ang mga ito sa pagsi­sikip sa trapiko.

Sinabi ni Atty. Cris Saruca­, hepe ng Sidewalk Clearing­ Operations Group, na ma­rami na ring reklamong na­ta­tanggap sila sa ahensya­ ngunit hindi naman maa­aring agad-agad nilang ma­aksyunan dahil sa pangunahing mandato nila ang pamamahala sa daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.

Ang pangunahing ahensya umano na may man­dato para dumampot sa mga batang kalsadang inirerek­lamo ay DSWD na siyang magdadala sa mga ito sa kanilang holding area. Bukod dito, may malaki ring res­ponsibilidad ang mga opis­yal ng barangay at pulisya sa panghuhuli sa mga taong maaaring gumagawa na ng krimen sa kalsada tulad ng pang-i-snatch, pango­ngotong at pagnanakaw sa mga sasakyan.

Itinuturing ngayon na “eye sore” at problema sa lansangan ang nagkalat na “gagamba boys” sa Airport Road at EDSA, “windshield boys” na nagtitinda ng kung ano-ano sa kalsada parti­kular sa may Mindanao Ave­nue, mga “barker” na mistulang nangongotong sa mga bus at jeepney drivers sa iba’t ibang lugar sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan at mga rugby boys.

Sinabi rin ni Saruca na pangunahing mandato ng MMDA ang pagpapaalis sa mga informal settler na nakatira sa gilid ng mga lansangan. Ngunit dahil sa hindi naman naninirahan ang mga inirereklamo sa mga kalsada ay hindi nila ma­dampot ang mga ito.

Sumasama naman umano ang MMDA lalo na ang kanilang CARE unit sa mga operasyon katuwang ang DSWD sa pagdampot sa mga batang kalsada kapag hinihingan sila ng tulong.

vuukle comment

AIRPORT ROAD

CRIS SARUCA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVE

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

MINDANAO AVE

OPERATIONS GROUP

SHY

SIDEWALK CLEARING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with