^

Metro

Kolorum at out of line na mga bus, patuloy na winawalis ng MMDA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nadagdagan ang bilang ng kolorum at out-of-line bus na nahuli ng Metro­politan Manila Development Autho­rity (MMDA) sa tuluy-tuloy na operasyon nito kahapon.

Sa pangatlong araw mula nang ilunsad ng MMDA ang “Oplan Project Disiplina” ay umabot na sa 40 ang na­huling mga bus na kasalu­ku­yang nasa impounding area na ng MMDA.

Binalikan kahapon ng mga tauhan ng MMDA ang bahagi ng EDSA Balintawak  at lima agad ang nahuling out of line bus dito.

Kamakalawa ang bahagi naman ng EDSA-Pasay ang sinuyod ng MMDA at dito nakahuli ng 17 out of line at kolorum na bus.

Ayon kay Atty. Crisanto Saruka ng MMDA’s Traffic Discipline Office (TDO), magpapatuloy ang kanilang operasyon hanggang hindi malilinis mula sa kolorum at out of line ang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Pinaigting ng MMDA ang operasyon nito kontra kolorum at out of line sa gitna na rin ng namumuong gi­rian nito sa pagitan ng Land Trans­portation Franchising Regulatory Board (LTFRB) dulot na rin sa mga inilabas na memorandum circular ng huli na nagresulta sa lalo pang pagtindi ng sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila.

Partikular na dito ang ipi­natutupad na “no appre­hension policy” sa mga trucks at bus na mahigpit na inal­mahan ng ahensiya.

vuukle comment

CRISANTO SARUKA

FRANCHISING REGULATORY BOARD

LAND TRANS

MANILA DEVELOPMENT AUTHO

METRO MANILA

MMDA

OPLAN PROJECT DISIPLINA

SHY

TRAFFIC DISCIPLINE OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with