^

Metro

Mag-utol tinodas sa Las Piñas

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang magkapatid  nang pagsasaksakin ng hindi pa kilalang suspek matapos magtalo ang mga ito dahil sa sugal na cara y cruz, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Dead-on-arrival sa Las Piñas District General Hospital ang mga biktima na sina Vincent Salido, 28; at Brando, 21, kapwa residente ng  BF Martinville,  Brgy. Ma­nuyo Dos ng nasabing lungsod sanhi ng tinamong mga  saksak sa dibdib at katawan .

Base sa report na natanggap ni Senior Supt. Adolfo Samala, hepe ng Las Piñas City Police, naganap ang insidente sa panulukan ng 6th  at Diamond Sts., Phase 5, BF Martiville, Brgy. Manuyo  Dos ng nabanggit na lungsod habang naglalaro ng sugal na cara y cruz ang biktimang si Brando at ang suspek. Hindi umano nagkasundo ang da­lawa sa tayaan dahilan para magtalo ang mga ito.

Dito na pinagsusuntok ng suspek si Brando at hindi pa ito nakuntento ay pinagsa­saksak pa niya ito. Bago tuluyang tumakas  namataan pa ng suspek ang isa pang biktima na  si Vincent at ito naman ang pinagbalingang undayan ng saksak hanggang sa kapwa duguang bumulagta ang magkapatid na Salido.

Mabilis na isinugod ang mga biktima ng kanilang mga kaanak sa naturang pagamutan, ngunit hindi na ito umabot ng buhay at ang suspek naman ay tuluyan nang nakatakas.

vuukle comment

ADOLFO SAMALA

BRANDO

BRGY

CITY POLICE

DIAMOND STS

DISTRICT GENERAL HOSPITAL

LAS PI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with