Nawawalang Japanese exec, tinodas ng anak at manugang
MANILA, Philippines - Sariling anak ang lumilitaw na nasa likod ng pagkawala ng isang Japanese executive na pinaniniwalaang pinatay na at itinapon sa Infanta, Quezon.
Ito ang lumalabas sa imbestigasyon ng Death Investigation Division (DID) ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa misteryo ng pagkawala ng isang Yuji Okada, mataas na opisyal ng isang appliance company na naiulat na nawala mula pa noong Hunyo 28, ng taong kasalukuyan.
Kasama nitong nawawala at pinaniniwalaang pinatay na rin ang nobyang Pinay ni Okada na si Honeylyn Cirunay.
Bukod sa anak na babae ni Okada, na si Ashley, suspek din sa nasabing krimen ang boyfriend nitong si Don Raleigh Reyes.
Sinabi ni Agent Joey Ajero ng NBI-DID, mismong ang ama ni Reyes, na si Don Neil dela Peña, ang nagtungo sa kanilang tanggapan at nagsabi sa NBI na may napatay na Hapones ang kanyang anak na tumawag umano sa kanya, kaya nagtatago ang mga ito.
Natukoy din na ang itim na Honda Sedan na may plakang ZPT 727, na pag-aari ni Ashley ang ginamit umano sa pagdadala sa bangkay ni Okada at ng Pinay na nobya nito nang itapon sa bahagi ng Quezon province.
Ani Dela Peña, sinabi sa kanya ni Reyes na napatay nito at ni Ashley, kasama ang isang di pa tukoy na lalaki ay unang nakipagkita kay Okada para sa settlement ng mga properties ni Okada. Sila ay nagkita sa isa sa mga bahay ni Okada, sa Parañaque.
Inaalam din ng NBI ang isa pang impormasyon hinggil sa napag-usapan sa properties ni Okada kung may kinalaman sa krimen at ang naganap umanong pagkakatulak ni Cirunay sa buntis na si Ashley na bumagsak sa sahig na ikinagalit ni Reyes at sinaktan.
Sa puntong iyon ay nagtulung-tulong umano sila Reyes, Ashley at kasama nilang lalaki na atakehin ang Japanese
Isang “Manuel Tolentino”, isang alyas Louie at dalawa pang lalaki ang tumulong kina Ashley sa pagtatapon ng bangkay, ayon kay Ajero.
- Latest
















