^

Metro

SUV kinardyak sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -Isang Toyota Fortuner ang kinarjack ng isang lalaki mula sa isang salesman na kabababa lamang sa kanyang sasakyan para bumili sa isang tindahan sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ang kulay itim na Fortuner (ZMH-596) na minamaneho ni Francis Wong, 26, ay puwersahang tinangay ganap na alas- 3 ng madaling araw kamakalawa sa Brgy. Apolonio Samson, sa lungsod.

Ayon sa biktima, ang nasabing sport utility vehicle (SUV) ay nakarehistro sa kanyang tatay na si Chung Wai Wong.

Bago ang carjacking, pansamantalang iniwan ng biktima ang kanyang SUV na umaandar ang makina para lamang bumili ng sigarilyo sa isang tindahan. Pagkalabas ng biktima sa Fortuner ay biglang sumulpot ang suspek at pumasok sa kanyang sasakyan saka pinaandar ito.

Tinangkang pahintuin ng biktima ang papatakas na suspek, pero kinaladkad siya nito hanggang sa tumilapon siya sa bangketa na kanyang ikinasugat.

vuukle comment

APOLONIO SAMSON

AYON

BRGY

CHUNG WAI WONG

FORTUNER

FRANCIS WONG

ISANG TOYOTA FORTUNER

PAGKALABAS

QUEZON

TINANGKANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with