^

Metro

Trader niratrat sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang negosyante habang sugatan naman ang isang batang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang salarin sa Commonwealth Avenue, Quezon City, kama­kalawa ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Emerson Yap, 37, ng  Riverside Unit 3, Brgy.Commonwealth, sa lungsod. Ito ay  binawian ng buhay habang ginagamot sa FEU Hospital dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa ulo at tiyan.

Nasugatan naman sa insidente si Jay Marcus Policarpio, 10, elementary pupil  ng nabanggit ding barangay. 

Ayon kay SPO1 Alejandro Camacho ng QC Police District Station 6 Batasan,  naganap ang insidente sa harap ng puwesto ng biktima sa Lee Hoi Yee Lugawan sa  Riverside St., Unit 3, Commonwealth,QC dakong- 11:35 ng gabi.

Sinabi sa ulat na nakatayo sa harap ng kanyang puwes­tong lugawan ang biktima nang biglang dumating ang isang suspek na tinatayang nasa 25 hanggang 30-anyos, 5’6’’ hanggang 5’8’’ ang taas, naka t-shirt na puti at maong pants at armado ng baril saka pinagbabaril ang biktima.

Tumakas naman ang suspek matapos ang pamamaril patungo sa direksyon ng Commonwealth. Patuloy pa ring sinisiyasat ang naturang insidente.

vuukle comment

ALEJANDRO CAMACHO

COMMONWEALTH AVENUE

EMERSON YAP

JAY MARCUS POLICARPIO

LEE HOI YEE LUGAWAN

POLICE DISTRICT STATION

QUEZON CITY

RIVERSIDE ST.

RIVERSIDE UNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with