^

Metro

Ginang todas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 50-anyos na ginang matapos barilin ng riding-in-tandem habang ang una ay papauwi sa kanyang bahay sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Si Belen Cantes-Villas, street sweeper ng Brgy. Talipapa, ay agad na nasawi matapos na magtamo ng isang tama ng bala sa kanyang ulo na naglagos sa kanyang mukha, ayon kay SPO1 Jaime Jimena, may-hawak ng kaso.

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng isang SYM motorcycle na kulay pula na may  plakang 4042-TJ.

Ang nasabing motorsiklo ay narekober kalaunan sa may harap ng isang bahay sa DRC compound, Quirino Hi-way, Brgy. Talipapa matapos iwan ng mga salarin.

Nangyari ang insidente sa harap ng ACS Building  sa Quirino Hi-way, Brgy. Talipapa, ganap na alas-6:20 ng gabi.

Ayon kay Lily Garcera, naglalakad umano sila ng biktima papauwi nang biglang sumulpot ang mga suspek sakay ng motorsiklo mula sa kanilang likuran at biglang bumaba ang backrider nito at binaril sa ulo ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang mga suspect. Narekober sa lugar ang isang basyo ng kalibre .45 na ginamit sa pamamaslang sa biktima.

Sinasabing pagtatalo sa lupa ang ugat ng pamamaslang sa biktima na umano’y tumatayong lider ng isang asosasyon sa nasabing lugar, bagay na sinisiyasat ngayon ng awtoridad.

 

AYON

BRGY

ISANG

JAIME JIMENA

LILY GARCERA

MATAPOS

NANGYARI

QUIRINO HI

SI BELEN CANTES-VILLAS

TALIPAPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with